Ang Magtago ng apps ay tumutulong upang itago ang mga system (built-in) apps mula sa application drawer. Sa kasalukuyan, suportado lamang nito ang mga Android 4+ devices.
Sa main window makikita ang NAITATAGO at NAKATAGO na mga pahina (pages).
NAITATAGO na Pahina
Mga system (built-in) apps lamang ang maaaring itago. Kung ang app ay nakatago (hidden), hindi mo ito maaaring makita o buksan mula sa application drawer. Sa window na ito makikita ang listahan ng lahat ng naitatagong applications. Upang itago ang isang app, pindutin ang app icon at pagkatapos ay pindutin ang "Disable" button mula sa susunod na "App info" window. Kung hindi mo makita ang "Disable" button sa iyong device, kailangang pindutin muna ang "Uninstall updates" button.
Upang simulan ang batch management mode o ang sabay-sabay na pangangasiwa ng apps, kailangang pindutin ng matagal ang app icon, piliin ang mga apps na nais ninyong i-manage, saka piliin ang nais na aksyon mula sa ilalim ng tool bar.
NAKATAGO na Pahina
Sa window na ito makikita ang listahan ng mga applications na iyong itinago. Maaari mong ipakita (hindi nakatago sa application drawer) ang isang app sa pamamagitan ng pagpindot dito at pagpili sa "Enable" button mula sa susunod na "App info" window.